Sunday, May 17, 2015

SA AKING PAGTALIKOD | Hugot | ONE WORD - Paalam At Mga Mura Na Pabaon Ko



Naalala ko lang nung unang gabing ika’y magpakilala
Animo ay kay bait, mabubulaklak na salitang binitawan sa ilalim ng mga tala
Ang imahe mong ipinakita – mabait, lugmok, malungkot madalas ay nayayamot
Ako ay iyong yinaya ang sabi ay tutulungan mo akong lumimot
Ayaw noong una hindi dahil sa walang tiwala
Ito ay marahil sa hindi pa rin pagkalimot sa isang pagkawala
Lahat ay tutol, sa iyo ay may ayaw
Ako'y kinutya, sa bago kong kanta at sayaw
Unti-unti ika’y pinatuloy sa pintong nakakandado
Ipinangakong hihilumin ang puso kong baldado

Bigla bigla na wala man lang pasabi na habang tayo ay nakalutang
Mapapait na rebelasyon at  sikreto sa akin ay gumulantang
Ayaw maniwala noong una
Ang reyalidad ni hindi ko pinuna
Siguro dahil para sa akin ikaw ay isang anghel
Ilusyon na aking itinitik sa isang pirasong papel
Ngayon ang mga bagay lahat ay luminaw
Mga kasinungalingan mong binitawan aking tinatanaw
Ako ay nalulungkot hindi dahil sa pag-ibig na nawala
Kung hindi dahil sa sinira mong tiwala
Itinuring kang kaibigan, sayo ay umasa
Sa kasagsagan ng kasiyahan ikaw ay nagpakasasa

Hindi ako isang yosi na iyong hihithitin
Sa mga gabing maginaw at pakiramdam mo ikaw ay bitin
Hindi ako alak na sagot sa iyong depresyon
At sa mga panahon na kulang ka sa atensiyon
Hindi ako bola na pwede mong laruin, paikutin
Na kapag nabitawan ay bigla mo na  lamang susuyuin
Hindi ako isang sapatos pangdagdag sa iyong koleksyon
Isusuot at iyayabang sa harap ng mga kaibigan kapag may diskusyon
Ako ay may pakiramdam, may konsensiya at pasensiyang sagad
Marunong magmahal, umunawa at magpatawad

Gusto ko na ituring mo akong unan
Na iyong yayakapin, hahagkan kahit na amoy tulo laway
Isipin mo na ako ay hangin
Humahalik, dumadampi sa iyong katawang lupa
Isipin mo na ako ay isang napakagandang panaginip
Habang ikaw ay ituturing kong bangungot sa isang maghapong idlip
Isipin mo na ako ang unang liwanag sa pagmulat ng iyong mga mata sa umaga
Habang ikaw ay isang napakakapal na ulap na tumataklob sa aking kalangitan

Iniisip ko kung ano ang aking nagawa
Upang lokohin, sirain ng isang tulad mong walang awa
O baka ika’y sadyang halimaw o multo
Nagpapaalala sa akin na malupit ang mundo hanggang sa ako’y matuto
Masyado ng mahaba ang naisulat tungkol sa iyo
At sa iyong panlolokong ako’y tila binayo
Ako’y muling magsusulat, magtitiwala at di matatakot magmahal
Habang ikaw ay patuloy na malulugmok sa panandalian na saya at pagal

Masyado na talagang napahaba itong tula
Na parati ay aking bala
Wala siguro itong katapusan, parang ayaw bumigay
Dahil ang mga titik, letra at salita ay may sariling buhay
Sa iyong pag-alis at sa aking pagtalikod
Walang babalikan, ni lumingon o bigkasin iyong pangalan ay hindi gagawin
Marahil ito ay malupit , pwede mong isipin
Ngunit ikaw ay sakim, iyong pinatunayan
Last linya ko na to, pagbigyan mo na aking pakiusap
Hindi ko kasi nasabi noong huli tayong nag-usap
Huling hirit ko na to
Huwag ka na sana umulit
Putang ina mo, pak yu ka,  tarantado ka, ulol, gago, pakshet, tite!
Hindi ka na nga kagwapuhan
Basura pa  pagkatao mo


No comments:

Post a Comment